Thursday, July 24, 2008

Un solo instante - sin descansar

SExam - Sulatin Exam
Agoto 24, 2007
3-I # 21

*Maikling pangyayari para sa nobela ng El Filibusterismo ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.

** Unang A ko sa ikatlong taon ko sa Mataas na Paaralang Ateneo. Sana naman tunay na A ito, at hindi lang tingala-langit ang markang ito. Bwahaha. Salamat Ginoong Villena!

*** Napakasarap pumatay ng tao sa isang kwento. Hindi ko naisip na ganito katindi ang "adrenaline rush".



Un solo instante - sin descansar
"Kahit iglap lamang - walang pahinga"

"Deus meus, Deus meus mabuti't nalang at hindi natuloy. Aba! ano ba itong pinagsasasabi ko? Pero... tiyak mauulit muli!"
Ang isang eskinitang nag-uugnay sa libu-libong iba pa ay tiyak isang problema sa isang banyaga. Mga matatapang o 'di kaya'y mga may-alam ang dumaraan dito. Sa isang kanto, nakahandusay ang tila bulubunduking kawayan at kagamitan na nararapat sa isang kastilyero.
"Hindi na problema sa akin kung kailan, at ang mahalaga ay bumalik ulit sa akin si Maestro Simoun. Tama!", paunti-unting sinigaw ng pirotekniko.
"Nararapat lang ito sapagkat pang dalawahang linggo ang nailagay kong nitro-glisinera. Mga, ulap, uulan ba kayo?", panawagan niya na huwag umulan upang hindi bumaha sa eskinita.
"Mas maraming oras na pagitan, mas maraming ginto. Maari pa siyang humakot ng sandamakmak na kasapi para sa pangkat ni Matanglawin. Ang problema lang talaga ay ang ulan. Kahit kabayo hindi makadadaan dito sa loob ng isang linggo. Diyos ko! Ang init talaga! "
"Kailan na ba akong huling nakalabas dito?", at sinabay ang sindi sa sigarilyo. "Trabaho na naman ulit."
Pinukaw niya. May narinig na malakas na pagsabog.
Nagsimulang umulan.

Isipin Floranteng Umiibig

Sulat Ikatlo
4-I
Tema: Mga tunggalian sa Flora

Isipin Floranteng Umiibig
Walang ibang Laura sa 'king sanggunian,
siya'ng bumagabag sa dibdib, ulo't buhay.
Sa awa ng puso, handugin paraan,
subalit itaas, gustong ipagliban.

Wednesday, July 23, 2008

From - a tribute to my? girl

standing on a chair
you sought for something
that i guessed upon seing you there
a gesture or an expression
to come up with such a conclusion
that you were looking for me

it took you a while
it took a second for me to realize
all i could do was to be still
wait 'till those lustrous eyes
fall upon my own; mine

after my blink
you got me
i was on your far left
and there we both smile
at each other

you wore a striking green dress or maybe a gown
while i was fabricated orange and a tie along
you gave me an animated squink
while i approached you quickly
"Is there something wrong?"
it took a while for you to speak
but soon you whispered into my ears
"You're wasting my time"
We giggled.
While i brought you to the dance floor

it was moments 'till i got an upbeat
just the right beat
you thought i was a lunatic tapping my happy feet
of course, and ordered me to calm down
you stared at me
i slowly held you just like
a man, who has a deep compassionate evol on his lady
I threw " Don't step on my feet"
You returned " Don't step on my toes"
We became lunatics
dancing, no, gliding on the dance floor
just the right beat
to se these tow persons on their way

a breath to make us stop
a gesture to end
please let me take your hand
i'll kneel like a boy
arms holding yours tight
not thta tight for you to shake it off
i had no lipstick and so was your hand
i nimbled up to stand and took you back
never was it cool enough for us to sweat
not even an eye looked at us
everyone did watch us
all those
all these
i thought when i was in class
were those
were these
you thought when you were in class
we were still students, on opposite sides, just waiting for the right beat :P

HAYSKUL

HAYSKUL

unang taon ay hindi ko inakala na mawawala
ang tulad mo na sa umpisa’y hindi kilala
maari natin baguhin ang nasimulan
subalit tayo ay mga baguhan

ikalawang taon tayo ay hiniwalay
sila-sila ang nag-isip o maari tadhana
iniisip ka habang sa tabi ay nakahimlay
mabuti’t may iniwan kang pamana

ikatlong taon ika’y aking hinanap muli
subalit ako’y nadakip at iyong nahuli
hindi ko inakala na mapapansin
kulang nalang ako’y sampalin

ikaapat na taon ako’y umalis
tinapos ang lahat
lumayas na may buhat
isang manikang sobrang tamis

USSR - Unang SeryoSong Romantiko

Talikuran ang pagiging mahinhin at alam mo marami ang mararating
Lahat ay ibigin mo huwag lang and ‘di umibig
Hiling mo ba na kasama?
P’wes talikdan

Kahit hindi kita kilala, minatiyag’ kong ika’y makuha
Ang negatibo ay pabayaan; burahin sa isip
Hiling mo ba makilala?
P’wes tanggapin

Munting isa tinakpan mo pa ang tunay
Kahit gaano kasakit, mas masakit ang iba
Hiling mo ba ang totoo?
P’wes ilahad

sa Bituin

Pinasikat ang araw
Totoong ‘di sa atin
Maaring matanaw
Minsa’y tawag bituin

Maabot ng kislap
Marahil sa ‘sang iglap
Minabuting masulyap
Maski ‘wasan ang ulap

The Story

My something 8th blog? This is for copyright purposes :D